Nakapagtala ang Department of Health ng karagdagang 1,938 na kaso ng Covid-19 kahapon kaya’t lumobo na sa 3,984,815 ang total caseload.
Sa nasabing bilang ng mga bagong kaso, 675 ay mula sa Metro Manila.
Batay sa Covid-19 tracker ng DOH, bumaba sa 25, 848 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa kumpara sa naitalang sa 26,003 na naitala noong linggo.
Sa ngayon ay umabot na sa 3,895,420 ang total recoveries habang 63,547 ang death toll matapos itong madagdagan ng 37.