Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na makakaboto ang halos 2,000 Filipino registered voters sa Shanghai, China.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, magdaraos sila ng special polls para sa mga kababayan natin sa Shanghai sa oras na lumuwag ang Covid-19 lockdown doon.
Mahalaga aniya ang espesyal halalan upang hindi matanggal sa listahan ng mga botante ang mga Pinoy sa naturang bansa.