Halos dalawang libong (2,000) katao ang apektado ng baha sa ilang bahagi ng Canada bunsod ng walang tigil na ulan.
Pinaka-matinding naapektuhan ang Quebec Province kung saan nasa isanlibong (1,000) residente ang nagsilikas.
Nakadagdag din sa problema ang pag-apaw ng mga ilog at estero sa naturang lugar.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad.
By Drew Nacino