Halos 2,000 traffic personnel ang ipapakalat ng MMDA ngayong Semana Santa.
Magtatrabaho ang mga naturang personnel ayon kay Roy Taguinod, director ng MMDA traffic discipline office simula Martes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay para bantayan ang mga pangunahing lansangan, transport terminals at ilang piling lugar sa Metro Manila.
Layon aniya ng Oplan Metro Alalay Semana Santa na maging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa paggunita ng Mahal na Araw.
Sinabi pa ni Taguinod na ipatutupad nila ang no day off at no absent policy sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo gayundin sa Linggo ng Pagkabuhay at mga susunod na araw.
Ipinabatid pa ni Taguinod ang pagsasagawa nila ng random o on the spot breathalyzer test sa mga bus driver para masigurong hindi nakainom ang mga ito sa kanilang biyahe.
Tuluy-tuloy naman ngayong linggo ang sidewalk clearing operations sa paligid ng mga pangunahing simbahan para maging maayos ang pagsasagawa ng Visita Iglesia.
140 P2P buses nakatakdang bumyahe ngayong Holy Week
Nakatakdang bumiyahe ang 142 P2P buses ngayong Holy Week.
Ito ay para bigyan ng ayuda ang mga pasahero ng MRT 3 na apektado ng tigil operasyon nito mula April 15 hanggang 17 at April 20 at 21.
Ang mga naturang bus ay magsasakay at magbababa sa lahat ng istasyon Northbound man o Southbound ng MRT 3 mula ala singko ng umaga hanggang alas nueve ng gasbi sa mga naturang petsa.
Ang pamasahe para sa mga nasabing P2P bus ay katulad ng pamasahe sa MRT 3.