Halos 2000 pamilya o mahigit 9000 katao ang apektado ng bagyong Karen mula sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Bicol
Ipinabatid ito ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na nag ulat ding Limang lansangan sa Ifugao, Camarines Norte, Camarines Sur at Albay ay hindi uubrang daanan dahil sa bahagyang pagguho ng lupa at bato na inaayos na rin ng mga tauhan ng DPWH
Ayon kay Taguiwalo handa na ang 1.2 Billion Pesos ang standby funds para sa repositioning ng mga lugar na nangangailangan ng ayuda dahil sa bagyo
Binuhay na rin ang quick reaction teams sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region
Naka standby na ang rapid emergency telecommunication teams sa Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol at CAR bilang suporta sa communication lines sa mga apektadong lugar
Sinabi ni Taguiwalo na kasado na rin ang medical teams para sa agarang deployment
Pinasalamatan ni Taguiwalo ang alok na ayuda ng foreign aid agencies tulad ng United Nations Population Fund at United Children’s Fund
By: Judith Larino