Halos 2000 pamilya ang apektado nang pagbaha sa Dipolog City.
Ayon sa City Social Welfare and Development Office ang mga apektadong pamilya ay nagmula sa mga Barangay ng Biasong, Estaka, Lugdungan, Turno, Gulayon, Dicayas, Minaog at Olingan.
Ipinabatid naman ni City Agriculturist Kerr Porlas na mahigit 300 ektarya ng bagong tanim na palay ang sinira ng malawakang pagbaha mula sa mga Barangay Punta, Olingan, Galas at Turno at halos 150 ektarya ng maisan ang nasira sa mga Barangay ng Sangkol, San Jose at Cogon.
Sinabi ng mga otoridad na nuong isang linggo pa patuloy na nakakaranas ng pag ulan ang Dipolog na dahilan din nang pag suspindi ng klase ngayong araw na ito sa lungsod.
By: Judith Larino