Halos dalawang libong (2,000) preso ang nakatakas sa isang overcrowded na bilangguan sa Sumatra Island sa Indonesia.
Ayon kay Regional Office Law Ministry Head Ferdinand Siagian, nangyari ang pag-eskapo ng mga bilanggo nang payagang lumabas ang mga ito mula sa kanilang selda para magdasal.
Sa huling tala, umaabot na sa higit pitumpung (70) inmates ang naibalik sa kulungan habang nagpapatuloy ang operasyon para sa iba pang bilanggo.
Laan ang naturang bilangguan para sa pitong daang (700) mga preso ngunit higit isang libo at walong daan (1,800) ang nakakulong dito bago mangyari ang pagtakas.
By Rianne Briones