Bukas para sa mga naghahanap ng trabaho ang umaabot sa halos 200,000 job vacancies sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong taon.
Batay sa staffing summary na isinumite ng Department of Budget and Management sa Kamara, mayroong mahigit isang milyon at walong daang mga permanenteng posisyon sa pamahalaan mula sa presidente hanggang clerk.
Sa nabanggit na bilang anila, 198, 775 ang bakante.
Pinakamaraming bakanteng posisyon naman sa DepEd na kinabibilangan ng mga guro at pumapangalawa ang Philippine National Police (PNP).
Pumapangatlo naman sa mga pinakamaraming bakanteng posisyon ang Department of Health (DOH) na sinusundan ng hudikatura at Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).