Bakunado na ang 199,362 o 89.4% ng 223,000 members ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, tinatayang 21,000 naman ang naghihintay pa ng kanilang second dose habang nasa 2,638 ang wala pang bakuna.
Sumadsad naman sa 538 ang active COVID-19 cases sa PNP habang sumampa sa 41,776 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng impeksiyon sa kanilang hanay.
Samantala, sumirit na sa 123 ang mga nasawing pulis dahil sa naturang sakit.