Nasayang ang halos 21,000 doses ng COVID-19 vaccine na nakatago sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Ang mga nasayang na bakuna, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje ay mula sa Iloilo, Central Visayas, Eastern Visayas at CARAGA Region.
Sinabi ni Cabotaje na posibleng madagdagan pa ang doses ng mga nasayang na bakuna dahil mayroon pa silang hinihintay na report sa susunod na dalawang linggo.