Isinugod sa ospital ang halos 22 katao matapos na mabiktima ng hinihinalang food poisoning sa Jose Abad Santos Avenue sa Maynila.
Napag-alamang karamihan sa mga biktima ay mga medor de edad kabilang na ang dalawang (2) taong gulang.
Ayon sa hepe ng Manila Police District (MPD) Station 7 na si Police Superintendent Roland Gonzales, sabay-sabay na nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng tiyan ang mga biktima matapos kumain ng street foods sa nasabing lugar.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at kumuha na ng food sample ang sanitary inspectors para suriin ang mga nakain ng mga biktima.
Samantala, pinayagan nang makauwi ang ilan sa mga bata matapos mabigyan ng lunas habang nananatili pa sa pagamutan ang iba.