Halos 230,000 ektaryang lupain ang naipamahagi na sa mga magsasaka.
Ayon ito kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones na nagsabing kabilang sa mga naipamahagi ay mga kakakuha pa lamang ng mga lupa, Redocumented Lands o Collective Certifications of Land Ownership Awards (CLOA) at mga nai-turn over na sa Land Bank.
Sa ngayon ay inaayos na aniya nila ang paghahati-hati ng 1.3-M ektaryang lupain ng Collective CLOAS sa ilalim ng Split o Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project.
Sinabi ni Castriciones na target ng DAR na maipamahagi sa mga magsasaka ang nasa 220,000 hectare pa ng idle lands na pag-aari ng gobyerno.
Ipinabatid ni Castriciones na na mayroon pang mahigit 400,000 ektarya ng lupain ang hindi pa nila naipapamahagi bagamat karamihan dito ay pino-problema nila dahil sa pagtatapos ng Notice Of Coverage noong 2014.