Mahigit 234,000 ektarya ng lupang sakahan ang maaaring maapektuhan ng bagyong Betty.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management ng Department of Agriculture, kabilang dito ang mahigit 159,000 ektarya ng pananim na palay, at mahigit 75,000 ektarya ng mais sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.
Bilang paghahanda, sinabi ng DA na naka-preposition na ang mga binhi, fertilizer, at biologics sa ligtas na storage facilities, at nakikipag-ugnayan na rin sila sa state weather bureau at iba pang D.R.R.M. Offices.
Mayroon namang 681,205 bags ng binhi ng palay; 21,192 bags ng mais at 20,454 kilos ng iba’t ibang vegetable seeds ang DA bilang intervention sa oras na lumabas na ng bansa ang bagyong Betty.