Umaabot sa 289 na Pilipino ang nakakulong ngayon sa Western Region ng Saudi Arabia.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Consulate General sa Jeddah, sa naturang bilang, 103 rito ay dahil sa kasong Drug Trafficking and Possession.
Habang ang 51 nakapiit na Pinoy ay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa immorality kabilang ang Homosexuality na itinuturing na illegal sa Saudi Arabia.
Kasabay nito, sinabi ni Consul General Imelda panolong na tumaas din ang bilang ng mga naaaresto sa Saudi dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento tulad ng Diploma at iba pang Scholastic Records.
By: Meann Tanbio