Nakabalik na sa Pilipinas ang halos 290 pang Overseas Filipino Workers at kanilang mga dependents mula sa Lebanon.
Ito ay ayon sa Department of Migrant Workers, sa kasagsagan pa rin ng digmaan sa Middle East.
Lulan ng inihandang chartered flight ng DMW at Department of Foreign Affairs ang mga Pilipinong nakabalik sa Pilipinas.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na makatatanggap ng P170,000 ang mga naturang OFW mula sa DMW Aksyon Fund, Overseas Workers Welfare Administration, at Department of Social Welfare and Development.
Binigyang-diin ni Secretary Cacdad na patuloy ang pagkilos ng Philippine Embassy at Migrant Workers Office Lebanon upang maisayos ang mga travel document ng mga Pilipino sa Lebanon na nais makauwi sa Pilipinas. – sa panulat ni John Riz Calata