Halos 2,000 mga naka-tengga at abandonadong balikbayan boxes na ang naipamahagi na ng Bureau of Customs sa mga recipient nito.
Kinumpirma ni BOC spokesman at Customs Operations chief Arnaldo Dela Torre na simula pa noong Hulyo ay idineliver at kinuha ng mga recipient ang kanilang mga package mula sa mga warehouse.
Ilan sa mga balikbayan box ay naka-consign sa CMG International Movers and Cargo Services habang may iba pang naiwan dahil sa kakulangan ng impormasyon.
Naideliver ang mga bagahe sa tulong ng door-to-door Consolidators Association of the Philippines.