Naging pagmamay-ari na ng 1,932 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Western Visayas ang kanilang sinasakang lupa, matapos ipamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang Electronic Title (e-title) at Certificates of Land Ownership Award (CLOA).
Higit sa 2,643.5 hectares ng lupa ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos, kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR), sa Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, at Guimaras.
Sa kanyang talumpati sa Passi, Iloilo, muling ipinagtibay ni Pangulong Marcos ang kanyang pangako na walang magsasakang maiiwan sa bansa.
Pagbabahagi ng pangulo, mahigit 610,000 na benepisyaryo target na mapalaya sa utang ng Republic Act 11953 o New Agrarian Emancipation Act na kanyang nilagdaan noong nakaraang taon.