Nasa halos 2,000 immunocompromised individuals (1,900) na ang nakatanggap ng second booster shot sa National Capital Region (NCR).
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH)-NCR Regional Director Dr. Gloria Balboa kung saan target ng kagawaran na makapagturok ng nasabing dose sa 250,000 na kataong may mahinang immune system.
Eligible naman na makatanggap ng second booster shot ang mga sumusunod:
May immunodeficiency
May HIV
Cancer patients
Transplant recipients
Mga pasyenteng umiinom ng immunosuppressive drugs at
Bedridden patients o may terminal illness
Samantala, inamin ni Balboa na ilan sa mga healthcare workers at senior citizens na hindi immunocompromised ang nabigyan ng naturang dose sa initial rollout.