Mahigit 1,800 biyahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa dahil sa bagyong Agaton.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu, nasa mga pantalan ng Bicol, Eastern Visayas, at Northeastern Mindanao ang 1,813 na stranded na pasahero.
Patuloy aniyang minomonitor ng PCG ang mga pantalan sa Liloan, San Ricardo, Ormoc, Isabel, Bato, Sta. Clara, Dapdap, Daram, at Naval sa Eastern Visayas; Surigao, Lipata, Nasipit, at Placer sa Northeastern Mindanao; at Matnog sa Bicol.
Sinabi pa ni Abu na imo-monitor ng PCG ang posibleng pagdagsa ng mga pasahero kapag nagpatuloy na muli ang mga operasyon.