Nasawi ang 29 na indibidwal kabilang ang walong pulis at 21 sibilyan sa naganap na anti-government protest sa Sierra Leone.
Ayon sa mga otoridad, dumagsa sa mga kalsada ang daan-daang protesters upang maglabas ng kanilang saloobin kaugnay sa pagtaas ng cost of living at inflation sa kanilang bansa.
Nabatid na sa kasalukuyan at hindi pa tiyak ang tunay na bilang ng mga sibilyan na nadamay sa marahas na protesta.
Una nang nagpatupad ng nationwide curfew si Vice President Mohamed Juldeh Jalloh para matigil ang naturang kaguluhan.