Mahigit 30 kababaihan ang nailigtas sa kamay ng illegal recruiter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Bureau of Immigration (BI), napigilan ang mga kababaihan sa kanilang byahe sa Saudi Arabia dahil sa ilang discrepancy sa kanilang papeles.
Patungo ang mga biktima sa Riyadh para magtrabaho bilang house hold service workers.
Hindi na pinangalanan ang mga biktima batay sa anti – trafficking law at nai turn over na rin sila sa inter – agency council againts trafficking para sa imbestigasyon at mabigyan ng ayuda.