Hindi bababa sa 30 kabahayan ang nilamon ng apoy kasunod ng nangyaring sunog sa isang residential area sa Barangay project 6, Quezon City.
Ayon sa ulat ng Bureau of fire Protection o BFP, tinitayang nasa isandaang pamilya ang naapektuhan ng naganap na sunog habang aabot naman sa isandaang libo ang halaga ng mga naabong ari-arian.
Nagtamo naman ng first degree burn sa balikat ang isang singkwentay-otso anyos na biktima kung saan wala namang napaulat na nasawi.
Ayon kay Quezon City Fire Chief Joseph Del Mundo, nagsimula ang sunog sa bodega na nasa second floor na pinaglalagyan ng mga spare parts ng motor.
Pahayag ni Del Mundo, nahirapan silang apulahin ang sunog dahil sa naubusan aniya ng tubig ang kanilang mga fire truck na syang dahilan kung bakit natagalan ang kanilang operasyon.