Hindi pa rin madadaanan ang nasa 27 kalsada sa mga rehiyon na tinamaan ng Bagyong Paeng.
Base sa monitoring ng Department of Public Works and Highways (DPWH), 7 rito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 5 sa region 2, isa sa region 3, dalawa sa region 4-A, 5 sa region 6, 1 sa region 8, 3 sa region 12 at 3 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, isinara ang mga kalsadang ito dahil sa landslides, pagbaha, nasirang tulay at iba pa.
Tiniyak naman ng kalihim sa publiko ang tuloy-tuloy na clearing at rehabilitation operation sa lahat ng apektadong imprastrutura sa bansa.