Halos 30 patay habang 3 iba pa ang naiulat na nawawala, matapos na malunod sa kasagsagan sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga nalunod at nasawi ay naiulat sa CALABARZON; Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Ilocos Region at Cagayan Valley, at Bicol Region.
Samantala, hanggang ngayong Lunes pa rin ang heightened alert ng PNP dahil sa inaasahan na pagdagsa ng mga tao na magbabalikan mula sa pagbabakasyon sa kani-kanilang probinsya kaya bantay sarado pa rin ang mga pantalan, bus port, terminal at airport. – sa panunulat ni Jeraline Doinog