Patay ang aabot sa 29 na tao habang 63 ang sugatan sa naganap na pag-atake sa isang Shiite Mosque sa Herat City, Afghanistan.
Ang pagpapasabog sa nasabing Mosque ay naganap isang araw lamang matapos ang pag-atake ng ISIS sa Iraqi Embassy sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa Herat City Police, ang isa sa dalawang suspek sa pag-atake ay suicide bomber habang ang isa naman ay armado ng rifle.
Sa kasalukuyan ay wala pang grupo ang umaako sa insidente.