Halos 300 baboy ang isinailalim sa culling o ipinapatay dahil sa African Swine Fever (ASF) sa tatlong barangay sa Luna, Isabela.
Ayon kay Mayor Jaime Atayde, ang ASF ay maaaring nakapasok sa kanilang bayan dahil sa mga biyaherong nagmula sa Bulacan at iba pang lalawigan na posibleng naging carrier ng nasabing sakit ng mga baboy.
Kabilang sa mga barangay sa bayan ng Luna ang nakapagtala ng ASF ang Barangay Lalog Uno, Lalog Dos at Harana, samantalang ilang barangay din ang nakitaan ng sintomas ng ASF ang kanilang mga baboy.
Sinabi ni Atayde na posibleng umabot ng 600 baboy pa ang maisailalim sa culling kapag nakuha na nila ang resulta ng mga kinuhang blood samples sa ilang babuyan sa kaniyang bayan.