Dinukot umano ng Islamic State fighters ang halos 300 dating miyembro ng Iraqi Security Forces.
Sinasabing naganap ang insidente malapit sa teritoryo ng ISIS sa Mosul dahilan upang mapilitang lumikas ang 1,500 pamilya sa lugar.
Ayon sa United Nations Human Rights Organization, patuloy na gumagawa ng hakbang ang Iraqi Government Forces at US-Led Coalition upang masagip ang mga biktima.
Ilan umano sa mga dinukot na pamilya ay dinala sa Mosul airport habang hindi pa batid ng UN ang kalagayan ng iba pang mga bihag.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters