Lubog pa rin sa baha ang nasa 287 lugar sa bansa bunsod ng walang tigil na pag-ulang dulot ng shear line, Low Pressure Areas (LPAs), at northeast monsoon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa kabuuang 1,058 na lugar ang binaha kung saan karamihan dito ay mula sa Eastern Visayas.
Naitala rin ng NDRRMC ang 82 insidente ng landslide sa bansa, kabilang ang 29 sa Bicol region.
Pumalo naman sa mahigit P414,347,212.63 ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng masamang panahon.
Maliban dito, tinaya sa P206,956,824.68 ang halaga ng danyos sa imprastraktura.
Nananatili naman sa 33 ang bilang ng mga nasawi dahil sa masamang panahon habang 12 ang nasugatan at pito naman ang napaulat na nawawala.
Umabot naman sa kabuuang 1,689,119 individuals ang naapektuhan ng walang patid na pag-ulan.