Bumagsak sa first quarter ng school year 2021-2022 ang 275 estudyante sa grade 10 mula sa iba’t- ibang eskwelahan sa Camarines Norte.
Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo, ito ay base sa naging datos ng ahensya noong November 2021.
Iginiit ni Guemo na hindi man ito kasing dami ng mga nasa sekundarya pero dapat itong mabigyang pansin.
Kumpiyansa si Guemo na kaya pang magawan ng paraan para matulungan ang mga estudyante sa natitirang dalawang quarter sa nasabing taon.
Samantala, hinimok ni Guemo ang lahat ng mga guro at magulang na magtulungan para sa mga estudyante. —sa panulat ni Angelica Doctolero