Nagsara na ang lahat ng e-games network na pag-aari ng Philweb matapos na mabigo ang kumpanya na muling makapag-renew ng kontrata sa Philippine Amusement and Gaming Corpopration o PAGCOR.
Ayon kay Philweb President Dennis Valdez, hanggang alas-11:59 ng gabi na lamang ang operasyon ng mga e-casino.
Resulta naman ng naturang pagsasara ang may 5,000 mga manggagawa mula sa 268 na e-games café sa buong bansa.
Matatandaaang kabilang ang pagpapatigil sa mga online casino sa mga unang kautusan ni Duterte nang maupo ito sa puwesto.
Una nang nagbitiw bilang Philweb Chairman si Roberto Ongpin at ang anak nitong si Anna Bettina Ongpin bilang vice chairman matapos na magpahayag si Duterte ng pagkontra nito sa umiiral na oligarkiya sa bansa.
By Rianne Briones