Aabot na sa halos tatlong daang (300) pasahero ang na-stranded sa mga pantalan sa Bicol region dahil sa masamang panahon na dala ng bagyong ‘Maring’.
Ayon sa PCG o Philippine Coast Guard, 257 na pasahero ang stranded sa Tobaco Port, 10 sa Pilar Port, 14 sa San Andres Port at 15 sa Pasacao Port.
Kasama din sa stranded ang 46 na rolling cargoes, 16 na sea vessels at isang motor banca.
Binigyang-diin ng PCG ang pagsunod sa ipinapatupad na guidelines sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat dahil sa masamang panahon.
Ulat ni Aya Yupangco
_____