Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang halos 300 potential private armed groups na posibleng maging aktibo na naman ngayong papalapit na ang eleksyon.
Bukod ito ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana sa 77 aktibong private armed group na tukoy na nila.
Sinabi ni Durana na ang mga aktibong private armed groups ay mayruong 2,060 miyembro at halos 2,000 ang kanilang armas.
Dahil malapit na ang eleksyon, inihayag ni Durana na malaki ang posibilidad na mabuhay ang 266 pang potential private armed group na may mahigit 2,000 miyembro at mahigit 1,000 armas.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa regional, provincial at city police directors na tiyakin ang mga hakbangin kontra private armed groups at gun for hire syndicates.