Posibleng masibak sa serbisyo ang halos 300 pulis na nagpositibo sa iligal na droga.
Batay sa record na inilabas ng Philippine National Police o PNP – Internal Affairs Service, napag- alaman na dalawang daan siyamnapu’t tatlong (293) pulis ang nagpositibo sa drug tests at karamihan sa mga ito ay gumagamit ng shabu.
Ito ay base sa resulta ng drug test sa isandaan at walumpung libong (180,000) opisyal at miyembro ng PNP simula noong Hulyo ng 2016 hanggang sa huling quarter ng 2017.
Isasalang sa confirmatory test ang mga nasabing pulis at kapag muling nag positibo ay mahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at kriminal at posibleng pagkatanggal sa pwesto.
Tiniyak naman ng PNP na tuloy ang random drug test bilang bahagi ng kanilang paglilinis sa kanilang hanay.