Halos 300 volcanic earthquakes at 52 rockfall events ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Mayon Volcano, Albay sa nakalipas lamang na 24 oras.
Ayon kay PHIVOLCS-Bicol Regional Chief Ed Laguerta, nakapagtala rin ng steam explosions at serye ng lava fountaining.
Namemeligro anya ang mga komunidad sa paanan ng Mayon dahil maaaring mag over-flow ang lahar mula sa dalisdis ng bulkan sa oras na bumuhos ang malakas na ulan.
Sakaling rumagasa ang lahar, magreresulta ito sa mas malaking delubyo lalo’t hindi pa natatapos ang pag-aalburoto ng Mayon.