Naipamahagi na sa iba’t ibang police regional offices ang halos tatlong libong (3,000) armas na ibinigay ng China sa Pilipinas.
Sinabi ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na pinabilisan niya ang pamamahagi ng mga armas para magamit ng mga pulis sa field lalo na’t mataas ang alerto kontra bantang pag-atake ng New People’s Army o NPA.
Ayon kay Dela Rosa, inabot ng isang linggo ang ginawa nilang ballistic test sa mga armas na bigay ng China at isinailalim pa ito sa documentation kung saan inilipat ito mula sa AFP patungong PNP.
May naiwan pa umanog isandaang (100) armas sa AFP at ang mga ito ay gagamitin ng militar sa kanilang research and evaluation bukod pa pagsusuri sa kalidad ng mga naturang armas mula sa China.
By Judith Larino
Halos 3000 armas mula China naipamahagi na ng PNP was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882