Tatapusin lamang ng PNP o Philippine National Police ngayong linggo ang ballistic examinations sa tatlong libong (3,000) baril na ibinigay ng libre ng China bago ito ipamahagi sa mga pulis sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, prayoridad nilang mabigyan ang mga alagad ng batas sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao partikular sa Lanao del Sur kung saan may presensya ng Maute terror group.
Sinabi ni Dela Rosa na sa tatlong libong (3,000) rifles na binigay ng China, 2,900 rito ay mapupunta sa PNP habang 100 naman sa AFP o Armed Forces of the Philippines.
Matatandaang noong nakaraang buwan, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumanggap ng mga nasabing baril at bala galing China na isa aniyang senyales ng pagsisimula ng bagong ugnayan ng Tsina at Pilipinas.
By Meann Tanbio | ulat ni Jonathan Andal (Patrol 31)
Halos 3000 baril mula China ipamamahagi na ng PNP was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882