Umabot na sa 2,934 ang bilang ng naaresto ng Philippine National Police (PNP) matapos lumabag sa gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, kabilang sa mga inaresto ang 2,827 civilian, 17 police officers, 17 military personnel, 47 security officers at 26 ang “uncategorized”.
Narekober sa mga naaresto ang 2,242 firearms, 1,070 deadly weapons, at 11, 892 na bala.
Nabatid na ipinatupad ang naturang gun ban noong January 9 at nakatakdang magtapos sa June 8, 2022.