Halos tatlong libong (3,000) overseas workers na Pilipino mula sa Saudi Arabia ang napauwi na sa bansa.
Ayon kay Administrator Hans Cacdac ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration, ang mga napauwing mga OFW ay mga hindi dokumentadong manggagawa sa Saudi na nakakuha ng amnestiya na nagmula sa hari ng Saudi Arabia.
Ayon kay Cacdac, inaasahang mas marami pang OFW mula sa Saudi ang mapapauwi nila hanggang sa matapos ang deadline ng pagkuha ng amnestiya sa June 29.
Nanawagan si Cacdac sa mga hindi dokumentadong OFW sa Saudi Arabia na samantalahin ang amnestiya dahil nanganganib silang ma-stranded o kaya ay makulong sa Saudi.
Wala naman anyang magiging problema dahil may nakahanda silang ayuda pagdating dito ng OFW bukod pa sa sagot ng gobyerno ang kanilang pamasahe pauwi ng bansa.
“Ngayong araw may inaasahan tayong 60 OFW na darating sa bansa mula sa Saudi Arabia na nabigyan ng amnestiya, patuloy ito kasi hanggang June 29 ang amnestiya, almost 3,000 na ang nailikas natin matapos ang trip ni Pangulong Duterte sa Gitnang Silangan. Simple lang, ang amnestiya pupunta lang kayo sa mga tanggapan ng Philippine Labor Office at bibigyan ng bagong pasaporte at documents ng DFA, sagot na ng gobyerno ang pamasahe, utos yan ng Pangulo, meron tayong assist welfare program: welfare, employment, livelihood, at legal assistance ” Pahayag ni Cacdac
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Mga iligal na OFW sa Saudi pinaalalahan sa deadline ng amnestiya was last modified: June 8th, 2017 by DWIZ 882