Nakauwi na sa bansa ang halos 350 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) secretary Susan Ople, dumating ang mga nasabing OFW kagabi sa papamagitan ng repatriation flight na inorganisa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kabilang sa mga na-repatriate ang apat na may medical condition at 5 na may mental illness kung saan agad din silang nabigyan ng medical assistance ng mga nabanggit na ahensya.
Samantala, sinabi ni Ople na isinailalim sa COVID-19 testing at quarantine sa isang hotel sa Quezon City ang mga naturang indibidwal.