Mahigit pa lamang sa 27% ng mag-aaral ang nakabalik sa pribadong paaralan.
Sa kanyang report kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na halos 350,000 nang mag-aaral sa pribadong paaralan ang lumipat sa public schools dahil nawalan ng kabuhayan ang kanilang mga magulang.
Sa kabila naman anya ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay naabot naman ng DepEd ang 77% ng enrollment kumpara sa bilang noong nakaraang school year o katumbas ng halos 20 milyon.