Halos 37 milyon pisong halaga ng mga hindi deklarado at puslit na sigrailyo at agricultural products ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Tondo, Maynila.
Ayon sa Customs, laman ng pitong 40 footer van ang kahon-kahong mansanas at nasa ilalim na bahagi ng kargamento ay mga sibuyas at carrots bukod pa sa mga pekeng sigarilyo.
Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na kadalasang itinatago sa kahon ng mansanas ang mga produktong ipinupuslit sa Pilipinas dahil tax free ang nasabing prutas kumpara sa ibang agricultural products.
Nakatakdang kasuhan nang paglabag sa Customs law ang mga consignee na Khalevskies Enterprises, Trixcean Trading, Ashton and Ilyze Trading, Yohann Rein Trading at Marid Industrial Marketing.
Nag-isyu na ng warrant of seizure and detention ang customs para manatili ang mga kontrabando sa custody ng ahensya.
—-