Umabot na sa halos 38,000 bilang ng mga bata ang nabakunahan na ng kanilang first dose laban sa COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, umabot sa 37,964 ang bilang ng mga edad 12 hanggang 17 na may co-morbidities ang nabakunahan na ng unang dose.
Sinabi pa ni Cabotaje na kahit na hindi madaling kapitan ng COVID-19 ang mga bata ay mataas parin ang posibilidad na maipasa sakanila ang nakahahawang sakit.
Sa ngayon, pinaghahandaan na ng DOH ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa planong pilot run ng pagbabalik sa face-to-face classes ng mahigit 120 eskwelahan sa bansa na magsisimula sa Nobyembre a-15. —sa panulat ni Angelica Doctolero