Pumalo na sa 2,991 ang kabuuang bilang ng mga naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Ito ay matapos mabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang karagdagang 509 na health workers sa City Hall Office, Medical Center Taguig Inc. at Barangay.
Target ng lungsod na mabakunahan ang lahat ng health workers nito sa loob ng unang quarter ng 2021 at nangakong magkakaroon ng suplay ng bakuna para sa 630,00 nitong prayoridad na mabakunahang mamamayan.
Matatandaang, mayroong kabuuang bilang na 13,494 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Taguig at tinatayang 183 sa mga ito ay aktibong mga kaso, habang 185 naman ang kabuuang numero ng lahat ng nasawi dulot ng COVID-19.— sa panulat ni Agustina Nolasco