Nadagdagan pa ang bilang ng mga nahuling lumabag sa gun ban, ilang araw bago ang May 9 elections.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), sumampa na sa 2,973 ang nahuli mula sa 2,850 na naisagawang gun ban operations.
Sa bilang na ito 2,864 ay pawang mga sibilyan, 49 ang security guards, 17 ang miyembro ng pnp, 17 ang tauhan ng afp at 26 ang iba pang violators.
Pinakamaraming nahuli mula sa National Capital Region (NCR) na may 1,114, sinundan ng region 4a na may 329, region 7 na may 313, region 3 na may 273, at region 6 na may 183.
Umabot naman sa 2,264 na firearms, 1,086 deadly weapons, kabilang ang 111 na pampasabog, at halos 12,000 na mga bala ang nakumpiska sa mga operasyon.