Isa sa bawat sampung Pilipinong edad anim (6) hanggang dalawampu’t apat (24) ay “out of school child and youth.”
Batay ito sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey o APIS ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Lumabas sa 2016 APIS na 3.8 million ang out of school children and youth o OSCY sa bansa o sampung (10) porsyento ng tatlumpu’t siyam (39) na milyong Pinoy na edad 6 hanggang 24.
Sa naturang bilang, mas marami ang babae kumpara sa mga lalaki.
Karaniwang rason ng mga hindi na nagtuloy sa pag-aaral ay maagang pag-aasawa, mataas na matrikula at kawalang interes sa edukasyon.
Sa buong bansa, 53 percent ng mga OSCY ay kabilang sa mga pinakamahirap na pamilya.
By Drew Nacino
Halos 4M kabataang Pinoy di nag-aaral—PSA survey was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882