Nakatakdang sunugin ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit sa tatlo at kalahating milyong kilo ng expired na karne na inangkat sa ibayong dagat.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Jose Reaño, kasalukuyan pang iniimbistigahan ang mga consignee ng mahigit sa 150 container vans ng imported meat.
Tiniyak ni Reaño na makakasuhan ang sinumang dapat managot sa pagpasok sa bansa ng mga nabubulok na at expired na karne.
“Naho-hold o napipigil kaya hindi makalabas, yung iba aksidente na inabot nung paghirap ng paglabas sa Customs nung December, yun naipit pero nakakapagtaka naman na bakit ngayon lang na sobrang isang taon nila ilalabas yan.” Ani Reaño.
Iginiit ni Reaño na mapanganib sa kalusugan ng mamamayan sakaling makarating sa mga pamilihan ang mga bulok na karne.
Kahit aniya ang mga malapit na ang expiration date ay kanila na ring kinumpiska dahil maaaring mag-expire na ito bago pa mai-deliver sa mga pamilihan.
“Basta sinabi best before hanggang dun ka lang, pagkatapos nun hindi na yan dapat, for confiscation and rendering na yan, sunog na yan, kahit ibenta sa merkado wala na yang lahat ng yan, kaya nga kung ano ang sinabi ng Department of Health na best before or consume before or expiration date may nakalagay, tapos yan wala na yan.” Pahayag ni Reaño.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas