Nasa halos apat na milyong rehistradong botante ang naitala ng Commission on Elections (COMELEC).
Batay sa datos na inilabas ng information technology department ng COMELEC nitong October 14, nasa kabuuang 4,094,614 na nabibilang sa age group na 18 hanggang 21 yrs. old ang bagong rehistrado.
Pinakamarami ang nasa edad 21 na may 1,547,469; edad 20 na may 1,238,284; edad 19 na may 990,380; at edad 18 na may 318,481.
Samantala, nasa 61 milyon na ang kabuuang bilang ng rehistradong botante sa bansa.