Sumampa na sa halos apatnapu ang nasawi habang nasa 150 ang nasugatan sa magkasunod na pambobomba sa Istanbul, Turkey.
Naganap ang car at suicide bombings malapit sa Besiktas Stadium kung saan target ang mga pulis.
Ayon kay Deputy Prime Minister Numan Kurtulmus, inako na ng paksyon ng rebel group na Kurdistan Workers’ Party ang pag-atake.
Samantala, idineklara na ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang national day of mourning at tiniyak na mananagot ang nasa likod ng panibagong terrorist attack.
By Drew Nacino
Photo Credit: AFP