Patay ang 38 katao sa siyudad ng Kaduna sa Northwestern Nigeria matapos ang pagatake ng mga armadong grupo.
Ayon kay Luka Binniyat, Spokesperson ng Southern Kaduna Peoples Union (SKPU), nagsimula ang pag-atake ng grupo noong Linggo ng gabi at nagpatuloy hanggang Lunes ng umaga kung saan pinagbabaril ang ilang mga residente at sinunog ang nasa 100 kabahayaan.
12 katao naman ang nakaligtas sa pag-atake na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital habang patuloy namang pinaghahanap ang ilang nawawala.
Kinondena naman ni Binniyat ang pag-atake at nanawagan sa gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan gayundin ng mga ari-arian.
Nabatid na inatake ng mga armadong kalalakihan ang daand-daang komunidad sa Northwestern ng Nigeria sa nakalipas ng mga taon habang patuloy namang ang “stage attacks” ng Islamic militants sa bahagi ng hilagang-kanluran ng naturang bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla