Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 380 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Delta variant.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula ito sa 746 samples na isinailalim sa sequencing noong Oktubre 22.
Sa pinakahuling genome sequencing, natukoy rin ang 104 na kaso ng Alpha variant at 166 cases ng Beta variant.
Sa ngayon ay umabot na sa 4,811 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa, habang ang Beta variant naman ay umakyat na sa bilang na 3,479 at Alpha variant sa 3,042. —sa panulat ni Hya Ludivico